Carmen MPS, may bago nang COP!

Ito ay sa katauhan ni PCI APRIL LOU MONSERATE PALMA. Pinalitan ni PCI Palma si PCI JULIUS REOVOCA MALCONTENTO.
Noong June 4 isinagawa ang turnover of command kasabay ng Flag Raising Ceremony kasama ang AFP, BFP at mga empelyado ng Carmen Local Government Unit sa Carmen Municipal Hall, Carmen, Cotabato na pinangunahan ni Mayor Rogelio “Roger” Talino.
Agad namang nakipag-dayalogo ang bagong COP sa mga miyembro ng Salaam Police Volunteers na nagsisilbing force multipliers ng kapulisan at nagsagawa ng accounting of Personnel kung saan ipinagbigay alam nito ang kanyang mga regulasyon sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Nakipag-dayalogo rin si PCI Palma kay Mayor Talino, MLGO officer at sa 28 Brgy Chairmen ng Carmen, doon ay tinalakay ang pagpapatupad ng batas, peace and order situation, updates, mga plano at programa kontra illegal drugs.

Facebook Comments