UMURONG | Allen Iverson – umatras bilang coach ng BIG3 ngayong season

Hindi na magsisilbing coach sa BIG3 si Philadelphia 76ers legend Allen Iverson.

Sabi ni Iverson, hindi na siya makakasali sa liga dahil sa conflict sa kanyang schedule.

Pero kung may pagkakataon ay pipilitin pa rin niyang makapanuod ng laro.


Si Iverson ang itinuturing na biggest star sa 3-on-3 league ng dating mga nba players na binuo ng american rapper na si Ice Cube.

Nagsilbi rin siyang player-coach nitong last season pero nagdesisyong mag-focus na lang sa kanyang coaching duties matapos ang opening game.

Facebook Comments