CARNAPPER | 4 Korean nationals, arestado ng NBI

Makati City – Patay ang mag-ama sa nangyaring sunog sa labanda street, barangay Guadalupe Nuevo, Makati City kagabi.

Sa ulat, hindi nakalabas at naipit ang mag-ama na sina Arnel at Aris Lambino habang nasusunog ang inuupahan nilang apartment.

Nagsimula ang insidente alas-11:48 kagabi na agad itinaaas sa ikatlong alarma dahil gawa ito sa light materials kung saan nadamay ang apat na iba pang bahay na pawang paupahan.


Ayok kay City Fire Marshall Supt Roy Quisto, maraming grills yung apartment kaya’t hindi sila agad nakalabas.

Sinabi ng opisyal na posibleng naiwang nakasinding kandila ang dahilan lalo na’t walang kuryente sa lugar.

Pasado ala-una ng madaling araw ng ideklara itong fire under control at tinatayang aabot sa P100,000 ang naging danyos ng sunog.

Facebook Comments