Malaki ang ibinaba ng carnapping cases sa bansa simula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine National Police – Highway Patrol Group o PNP-HPG PIO PCol. Christian Dela Cruz na mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan ay malaki ang in-improve ng datos.
Aniya, mula Enero hanggang Setyembre ay mayroon lamang naitalang 135 carnapping incident sa Metro Manila.
Base pa sa datos, marami-rami na ang mga narerekober ng HPG na mga kinarnap na mga sasakayan.
Noong 2019 ay nasa 274 habang nitong 2020 ay pumalo sa 536 ang mga narekober nilang mga sasakyan at ngayong taon ay nakarekober na sila ng 586 na mga kinarnap na sasakyan.
Patuloy naman ang panawagan nito sa mga motorista na magdoble ingat at agad na i-report sa HPG saka-sakaling makarnap ang inyong sasakyan.