Ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang caroling ngayong holiday season para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., maglabas ang task force ng mga guidelines para sa mga aktibidad ngayong Kapaskuhan.
Sinabi pa ni Galvez na mas makakabuting sa internet na lamang isagawa ang pangangaroling.
Una nang naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga guidelines na dapat sundin sa selebrasyon ng Kapaskuhan sa bansa.
Kabilang dito ang pag-limita sa 15 minutong pakikipag-usap sa tao, pagsunod sa mga health protocols gaya ng social distancing at gawin ang mga pagdiriwang sa mga well ventilated areas o mga open spaces.
Pinaiiwas din ng kagawaran ang publiko sa videoke sessions matapos lumabas sa pag-aaral na kapag ang isang tao ay kumakanta, mas mataas ang posibilidad na lalo pang kumalat ang virus.