6 milyong Pilipino, registered na sa National ID – PSA

85

Halos anim na milyong Pilipino na ang nakapagparehistro para sa Philippine Identification System.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 5.789 million indibidwal ang nakakumpleto na sa unang hakbang para sa pagkuha ng kanilang sariling Philippine Identification System (PhilSys) or national ID hanggang nitong November 20.


Katumbas ito ng 58.7% sa halos 9 million indibidwal na target ng PSA bago ang yearend deadline.

Karamihan sa mga nakapagparehistro ay head ng low-income households na prayoridad ng PhilSys.

Sa naturang bilang, 89% ang kasalukuyang walang bank accounts habang 79.7% ang mayroong mobile number.

Facebook Comments