Caroling, pinapayagan na – DOH

Aprubado sa Department of Health (DOH) ang pangangaroling ng mga bata ngayong Pasko.

Ayon kay Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Ho, dapat na siguraduhin lamang na bakunado ang mga bata na mamamasko at nakasuot ng face mask.

Hinihikayat din ni Ho ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok.


Mas ligtas aniya kung manood na lang ng community firework displays o maghanap ng ibang alternatibo na pampaingay.

Facebook Comments