Malakanyang, may paalala sa mga magsasagawa ng street parties

Nagpapaalala ang Palasyo ng MalacaƱang sa mga nagbabalak na magdaos ng street parties ngayong holiday season.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat tiyakin ng mga ito na may basbas muna ito ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ito ay para tiyak na mababantayan ang aktibidad at masusunod ang health protocols.


Sinabi naman ni DOH Health Promotion Bureau Director Dr. Beverly Ho na hindi naman sila tutol sa pagdaraos ng street parties, laloā€™t mas ligtas ito kaysa sa indoor settings pero may paalala pa rin ang ahensya.

Facebook Comments