Carpentero timbog sa drug buy bust operation ng PP3

10

*Timbog ang isang mason makaraang mahuli kahapon ala una ng hapon sa drug buy bust operation ng mga elemento ng PP3 sa pangunguna ni PSI Leonardo Enggay sa harap ng fruit stand sa downtown area ng barangay Poblacion 5.*
*Kinilala ang nahuli nasi Tato Makmod Bagundang 32 anyos na nakatira sa barangay Libungan Toreta, nakuha sa kanyang posisyon ang tatlong sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.*
*Ayon kay PSI Enggay, ilang linggo din sumailalim sa surveillance ang suspect hanggang sa ikasa ng kapulisan kahapon ang buy bust operation na nagresulta sa pagka aresto niya.Maliban sa pagiging Mason ay nagsa-sideline daw ang suspect ng nagtutulak ng droga.Siyay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.*

Facebook Comments