Carpio, naniniwalang dapat iprotesta ang paglalagay ng China ng rescue center sa Kagitingan Reef

Manila, Philippines – Hinimok ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang gobyerno na maghain ng diplomatic protest laban sa China.

Ito ay matapos magtayo ang China ng maritime rescue center sa Fiery Cross Reef o Kagitingan Reef sa West Philippine Sea (WPS) ang China.

Giit ni Carpio, kung hindi papalag ang gobyerno ay para na ring pinayagan ang China na magtayo ng estraktura doon.


Ibig sabihin, kinikilala aniya ng Pilipinas na may karapatan ang China na ukopahin ang Kagitingan Reef.

Sabi ni Carpio, ang aksyon na ito ay tinatawag na Act of Sovereignty na nangangahulugan na may soberenya ang China sa lugar na taliwas sa claim na sakop ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments