Carpio, naniniwalang joke lang ang paghimok ni PRRD sa US na ipadala ang 7th Fleet nito sa WPS

Naniniwala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na nagbibiro lang si Pangulong Duterte nang manawagan siya sa Estados Unidos na komprontahin ang China dahil sa pag-aangkin nito sa West Philippine Sea.

Matatandaang hinimok ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos na ipadala ang 7th Fleet ng US Navy sa South China Sea sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty.

Ayon kay Carpio – nag-jo-joke lang ang Pangulo, tulad kanyang biro na magje-jetski siya sa Spratly Island at maglagay ng watawat ng Pilipinas doon.


Diin ni Carpio – alam ng Pangulo na gagana lamang ang mutual defense agreement kapag may nangyaring armadong pag-akate sa teritoryo sa Pilipinas o anumang barko o eroplano na pag-aari ng bansa.

Ang defense pact ay para lamang sa self-defense at hindi maging agresibo laban sa ibang bansa.

Ang war of aggression ay ipinagbabawal ng 1987 Constitution at ng United Nations Charter.

Facebook Comments