Manila, Philippines – Aminado ang Department of Agriculture na mahirap pabagsakin ang cartel ng bawang sa bansa.
Cartel ang tawag sa pagmamanipula ng mga negosyante sa presyo ng mga produkto.
Ayon kay DA Secretary Many Piñol – wala siyang nakikitang kaso na maaaring isampa laban sa mga negosyante lalo’t mahirap itong palabasin bilang economic sabotage.
Kaugnay nito, maglalaan ng 200-milyong pisong pondo ang DA para mapalago ang produksyon ng bawang at sibuyas sa bansa.
Ayon kay Piñol, kukunin ang pondo mula sa P213-billion proposed budget ng ahensya para sa taong 2018.
Target kasi aniya ng DA na makapag-produce ang bansa ng 50 percent ng national requirements para sa bawang at 80 percent naman para sa sibuyas.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558