CARWASH BOY, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa Purok 1 Brgy. Divisoria, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bobby”, 22-anyos, at residente ng Echague, Isabela.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at cellphone.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments