Case fatality rate sa NCR, bumaba – DOH

Patuloy na bumababa ang case fatality rate (CFR) sa Metro Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang CFR ay bumaba 2.6% mula sa 5.78 hanggang 4.6%.

Sa buong bansa ang case fatality ay nasa 1.76%.


Mula nitong July 12, ang kabuoang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa bansa ay nasa 26,015.

Sinabi ni Duque na pinaiigting ang pagbabakuna sa mga senior citizens lalo na at sila ang vulnerable sa sakit.

Samantala, ang pagkamit ng herd immunity ay nakadepende sa supply ng bakuna.

Facebook Comments