Manila, Philippines – Magpapaalam muna si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa kay Pangulong Duterte kung pwedeng ipakita sa Commission on Human Rights ang mga case folder sa mga kaso ng extrajudicial killings.
Ayon kay dela Rosa, suportado naman nila ang imbestigasyon ng CHR sa mga kaso pero kailangan muna niyang ipagpaalam ito sa pangulo.
Sinabi naman ni CHR Spoksperson Atty. Jackie De Guia, bukas ang PNP na talakayin ang kanilang mga proposal at mabuksan nila ang mga case folder.
Una nang nagkasundo noong Martes ang PNP at CHR na magkatuwang silang mag-iimbestiga sa mga kaso ng pagpatay sa bansa.
Facebook Comments