Casecon ng MPD, nagpapatuloy pa rin – resulta ng pag-uusapan inaasahang ilalahad sa media

Manila, Philippines – Mahigit ng tatlong oras ang isinagawang Case Conference ng mga operatiba ng MPD Homicide Division upang makakuha ng matibay na mga ebidensiya sa ikalulutas ng kaso sa pagpatay kay Horacio Tomas Castillo III.

Inaasahang ilalahad sa Media ng mga opisyal ng MPD ang resulta ng kanilang ginagawang casecon hinggil sa mga ebidensiyang kanilang mga nakalap gaya nalamang ng pangalang ng Uber driver,CCTV, mga pangalan ng Aegis Juris Fraternity at lugar na mga pinuntahan ni Castillo.

Mahalaga ang mga ebidensiyang makukuha ng MPD para sa ikalulutas ng kaso.


Una ng tiniyak ni MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo na 80 porsyento nalamang ay malulutas na ang kaso matapos na mapatunayan ng MPD Homicide Division na nagsisinungaling si Paul John Solano ang nagdala kay Castillo sa hospital.

Facebook Comments