Mga tanggapan ng DFA, normal ang operasyon bukas

Manila, Philippines – Sa kabila ng suspensyon ng pasok sa gobyerno at eskwelahan bukas Sept 21 hwebes,, ika-45 taong paggunita ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na bukas ang kanilang mga tanggapan.

Ibig sabihin, normal ang operasyon ng mga consular offices ng DFA para sa mga mag-aaplay at magre-renew ng kanilang mga pasaporte.


Kinakailangan lamang dalhin ang inyong confirmed appointment slip bago magtungo sa tanggapan ng ahensya.

Bukas, deklaradong National Day of Protest kung saan inaasahang magsasagawa ng kaliwat kanang kilos protesta ang ibat ibang grupo.

Facebook Comments