Cash assistance at fuel discount subsidy program, matagumpay na nailunsad sa lalawigan ng Isabela

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na matagumpay na nailunsad ang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) at fuel discount subsidy program para sa corn farmers at mangingisda sa lalawigan ng Isabela.

Ayon kay DA Secretary William Dar, nasa 500 magsasaka ng palay sa Ilagan, Benito Soliven, Gamu at Cordon ang nakatanggap ng ₱5,000 cash assistance.

Ito aniya ay partial ng 62,234 na magsasakang tatanggap din ng tulong pinansiyal sa Isabela na may dalawang ektarya pababa ang sinasaka na nasa listahan ng registry system for basic sectors in agriculture.


Habang nasa 50 mula sa 8,632 corn farmers at fisherfolk sa lalawigan ang nauna nang nabigyan ng tig ₱3,000 sa ilalim ng fuel discount program.

Bukod dito, nasa walong grupong farmers beneficiaries sa Isabela ang pinagkalooban din ng ₱20.3-M halaga ng makinarya sa ilalim ng PhilMech.

Sinabi pa ng kalihim na nasa kabuuang ₱559-M ang naipagkaloob ng DA na intervention sa mga magsasaka at mangingisda upang matiyak na tuloy-tuloy ang produksyon ng pagkain at paghahanda sa anumang pandaigdigang krisis.

Facebook Comments