Mag-ama, nasawi sa sunog kagabi sa Taguig City

116

Patay ang mag-ama kabilang ang 7 taong gulang na kaniyang anak makaraang masunog nag kanilang inuupahang tahanan sa 471, Purok 6, MLQ Street, Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Eduard Carimat, 3-anyos at anak nitong si Maria Eloisa Jazz Fuentes, 7-anyos.

Ayon kay Fire investigator Senior Fire Officer II (SFO2) Ana Joy Parungao, nagsimula ang sunog kagabing alas 10:40 kagabi at makalipas ang mahigit isang oras agad naapula alas 11:09 ng gabi na umabot lamang sa unang alarma.


Paliwanag ni Parungao, bigla nalamang sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat kung saan hindi nakalabas ang mag-ama na nasa loob ng kanilang inuupahang bahay.

Dagdag pa ni Parungao, hindi makausap nila ang naulilang si Jennelyn Fuentes dahil sa trauma na nangyari sa kaniyang anak at asawa na naiwan sa bahay at mabuti nalamang nakalabas ang 5 taong gulang na batang lalake ang anak nito.

Tinatayang humigit kumulang ₱30,000.00 ang halaga ng napinsala ng sunog at patuloy pa rin na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa naturang sunog.



Facebook Comments