Cash-for-work program para sa mga nawalan ng trabaho, ilalatag ng pamahalaan

Isusulong ng pamahalaan ang cash-for-work program para sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong may COVID-19.

Ito ay matapos kumpirmahin ni National Economic Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua na 4.5 million workers ang apektado ngayon ng unemployment bunsod ng pandemic at inaasahang dodoble pa ito bago matapos ang second quarter ng taon.

Bukod sa emergency at wage subsidy sa mga manggagawa na nawalan ng hanapbuhay, ilalatag din ang cash-for-work program para gawing contact tracers.


Inaasahang 136,000 workers ang makikinabang sa programa na ito.

Nire-review na rin aniya ngayon ng gobyerno ang labor policy sa wage reduction, skills retooling, unemployment insurance at pension portability system para umakma ito sa emergency, cash-for-work at wage subsidies.

Bagama’t mayroong polisiya ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa boluntaryong pagbabawas ng sweldo, ipinarerekonsidera naman ito ni Marikina Rep. Stella Quimbo dahil malaki ang magiging impact naman nito sa poverty rate ng bansa.

Ngayong may COVID-19 pandemic, naitala sa 4.5 million workers ang nawalan ng trabaho.

Facebook Comments