Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu award at financial incentives ang mga atletang Pinoy na nagwagi at magwawagi sa 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Ang Order of Lapu-Lapu ay ipagkakaloob ng Pangulo sa mga makakasungkit ng gintong medalya sa SEA Games.
Ibinibigay ang Order of Lapu-Lapu sa mga indibidwal na nagpamalas ng natatanging husay at galing sa Sports at iba pang campaign & advocacy ng gobyerno.
Hindi naman na idinetalye pa ni Panelo kung magkanong cash incentives ang matatanggap ng mga nagwaging atleta.
Sa ngayon, umaabot na sa higit 32 gintong medalya ang nasusungkit ng bansa. Ito ay sa larangan ng Triathlon, Dance Competition, Gymnast, Wushu at iba pa.
Una nang nagpa-abot ng papuri at pagbati ang Palasyo sa mga atletang Pinoy na patuloy na nagbibigay karangalan sa bansa sa nasabing multi-sport event.