Manila, Philippines – Bumaba ang cash remittances o perang pinapadala ng mga OFW sa Pilipinas nitong abril.
Ayon sa Banko Sentral ng Pilipinas, isa sa mga dahilan ay ang pag-uwi ng mga OFW mula Saudi Arabia at ang mababang halaga ng pera mula sa ibang bansa kontra dolyar.
Ayon sa datos ng BSP, nasa 3 billion dollars ang pera na pinadala ng mga OFW sa pamamagitan ng mga banko nitong nakaraang abril.
At base sa datos – ito ang pinakamababang OFW cash remittances mula noong January 2016.
Giit din ng BSP na isa sa dahilan ay dahil sa pagbaba ng padalang pera mula sa Saudi Arabia, Singapore, Australia at United Kingdom.
At ang mga mababang palit din ng dolyar sa mga nasabing bansa.
Facebook Comments