Humina ang ipinapadalang pera ng mga Filipino workers sa ibang bansa sa unang pagkakataon sa loob ng 10 buwan.
Maituturing itong worst performance sa taong ito, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bumaba ng 2.9% ang cash remittance ng mga OFW na nasa higit 120.4 billion pesos nitong Hunyo kumpara sa 124 billion pesos noong nakaraang taon.
Natukoy ng BSP na bumaba ang cash remittance mula sa land-based workers.
Ang Saudi Arabia at Qatar ang nag-contribute sa paghina nito habang ang Estados Unidos naman ang biggest source ng OFW remittances nitong unang kahalati ng 2019.
Facebook Comments