Cashless at contactless toll collection sa mga expressways sa Luzon, sisimulan na sa Nobyembre

67

Sisimulan na sa ika-2 ng Nobyembre ang cashless at contactless toll collection sa mga expressways sa Luzon ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

Ayon kay TRB Executive Director Abe Sales, alinsunod na rin ito sa direktiba ng Department of Transportation (DOTr) Order 2020-012 kung saan dadaan na sa electronic toll o RFID ang pagbabayad.


Ang cashless at contactless toll collection na ito ay bilang pagpigil na rin sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.

Facebook Comments