CASHLESS PAYMENT SA MGA PALENGKE AT LOCAL TRANSPORTATION, ISINUSULONG SA PANGASINAN

Isinusulong ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang cashless payment sa mga public market at local transportation sa pamamagitan nang paggamit sa “Paleng-Qr Ph o Palengke Quick Response Ph.
Ang Paleng-Qr Ph ay layuning isulong ang cashless payment bilang alternatibong mode of payment para sa kaginhawaan at kaligtasan ng publiko.
Sa proposed Provincial Resolution No. 405-2022, ni SP Member Napoleon C. Fontelera Jr, hinihikayat ang mga LGUs na magpasa ng ordinansa bilang pakikiisa sa paggamit ng Paleng Qr Ph o pagkakaroon ng digital payments sa mga palengke at sa mga local transportation.

Sa Palengke Qr Ph katuwang dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagpapatupad na aalalay sa pagsasagawa ng orientation at training sa vendors at local transport drivers.
Ang lungsod ng Baguio ang unang LGU na nagpatupad ng Paleng-Qr Ph program ng BSP at DILG. |ifmnews
Facebook Comments