CASHLESS PAYMENT SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA BACNOTAN, INILUNSAD

Maaari nang makapamalengke ang mga residente sa Bacnotan, La Union matapos ilunsad ang Paleng-QR PH PLUS Program kasabay ng inagurasyon ng bagong pampublikong pamilihan ngayong Marso.

Ayon sa Bacnotan Market Supervising Team, mas mapapadali ang pagbabayad ng mga mamimili dahil maari nang makapagbayad sa pag-scan lamang ng QR code.

Sa ilalim din ng programa, sasailalim sa financial literacy sessions ang mga MSMEs upang mabigyang kaalaman sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Magbibigay din ng libreng access sa WiFi ang mga MSMEs sa mga mamimili na gagamit ng QR Code sa pagbabayad.

Ikinatuwa naman ng mga residente ang bagong pasilidad at cashless transaction na papantay umano sa operasyon ng mga mall bilang tulong sa mga small business owners sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments