LA UNION, NAGLAAN NG PHP 16 MILYON PARA SA MGA KALAHOK SA 2025 R1AA MEET

Naglaan ng PHP16 milyon ang pamahalaang panlalawigan ng La Union para suportahan ang mga atleta sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet 2025 na kasalukuyang ginaganap na Munisipalidad ng Bacnotan.

Ang PHP13.9 milyon ay ibinigay sa DepEd La Union para sa higit 500 student-athletes, habang PHP2.6 milyon naman ang inilaan para sa DepEd Ilocos Region para sa mga pangangailangan ng kompetisyon.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang tulong ay para sa pagkain, gamit, gamot, at transportasyon ng mga atleta.

Ang R1AA Meet, na tatagal mula Marso 10 hanggang 15, ay ang kompetisyon na magsisilbing kwalipikasyon para sa Palarong Pambansa, na gaganapin ngayong Mayo 2025 sa Ilocos Norte.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments