Cashless Payment System, ipatutupad ng LTFRB Region 2

Cauayan City, Isabela- Magpatutupad na rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 02 ng cashless payment system sa lahat ng public utility vehicles na layong limitahan ang face-to-face transactions sa pagitan ng mga driver at pasahero.

Ito ay makaraang magpulong ang iba’t ibang PUV Operators, terminal operators maging ang cashless payment providers na pinangunahan ni Director Edward L. Cabase ng LTFRB.

Sa pamamagitan ng cashless pay system, kailangan lang magbayad ang mga pasahero sa pamamagitan ng pag-scan ng QR codes o kanilang gagamitin ang mga cards sa pagbayad ng pamasahe.


Ito ay upang matiyak ang hindi pagkalat ng virus sa mga perang papel maging sa mga barya.

Magtatalaga naman ng booth sa mga terminals ang ahensya kung saan makakapagload sa card o makakapagbayad bago pa man sumakay sa mga PUVs ang mga pasahero.

Facebook Comments