Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lahat ng casino operations at gaming activities nito bilang pag-iingat sa COVID-19.
Alinsunod ito sa ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila.
Sakop ng suspensyon ang lahat ng land-based casino, electronic games, bingo, sports betting, poker at slot machine clubs at iba pang aktibidad na pinangangasiwaan ng PAGCOR.
Mananatili namang bukas ang mga restaurants at food outlets sa loob ng gaming areas.
Pwede pa ring tumanggap ng guests ang mga hotel na may casino at gaming facilities pero ipagbabawal ang paglulunsad ng malalaking events.
Magtatagal ang suspensyon hanggang matapos ang community quarantine sa Metro Manila.
Facebook Comments