Casspi at Temple ng Memphis Grizzlies, nagsuntukan

487

Nagsuntukan ang mga Memphis Grizzlies player na sina Omri Casspi at Garrett Temple sa isang post game meeting, kasunod ng kanilang pagkatalo kontra Detroit Pistons nitong Miyerkules.

Base sa mga naunang ulat, nangyari ang suntukan sa closed-door, locker room meeting na ipinatawag ni Memphis coach JB Bickerstaff para sa kanilang players at trainers.


Dito na nagkapalitan ng maiinit na salita sa pagitan ni Casspi at Temple na di kalaunan ay nauwi sa suntukan.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang general manager ng Memphis na si Chris Wallace dahil sa nangyari insidente.

Aniya, kaakibat ng pagkatalo ang pagtaas ng emosyon at nangyari ang insidente dahil competitive at passionate sila sa kanilang ginagawa.

Dagdag pa ni Wallace, kahit anong mangyari, nananatili pa rin ang kanilang samahan lalo at magkakasama na sila sa kuponan simula pa noong sila ay mag-umpisa sa basketball.

Facebook Comments

From Advertisers