Castro – kampante sa posisyon bilang bagong House Majority leader

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Capiz Representative Fredenil Castro na magagampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang Majority Leader ng Kamara, kapalit ni Camarines Sur Representative Rolando Andaya, Jr.

Sabi ni Castro – ipagpapatuloy niya ang pag-prayoridad sa mga panukalang batas na pakikinabangan ng mayorya sa mga Pilipino bago magtapos ang sesyon ng 17th Congress.

Wala rin namang tumutol sa kanyang nominasyon, bagay na nagpapakita aniya na nagkakasundo ang mga miyembro ng Kamara.


Nauna nang sinabi ni Andaya na “best person” para pumalit sa kanya si Castro.

Facebook Comments