Casualty sa Capiz dahil sa bagyong “Lannie”, bineberipika pa ng NDRRMC

Bineberipika pa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang napaulat na casualty sa Capiz dahil sa Bagyong Lannie.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nakatanggap sila ng report na may isang nalunod sa kasagsagan ng bagyo.

Nabatid na ilang insidente ng pagbaha ang naitala sa Western Visayas kung saan 62 katao ang inilikas at pansamantalang nakituloy sa bahay ng kanilang mga kaanak at kaibigan.


Nasa P1.6 million naman ang pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura sa rehiyon.

Samantala, limang insidente rin ng landslide ang naitala sa MIMAROPA, Central Visayas at Eastern Visayas.

Habang balik-operasyon na ang 32 mula sa 77 pantalan sa MIMAROPA at Central Visayas.

Facebook Comments