CASURECO 2 Responders, Kulang?!?!?…Kalat – Kalat na Brown Out sa Metro Naga Area, Loose Connections Lang Daw – Dir. John Paul Sta. Ana

Maraming lugar sa Naga at iba pang bayan ng Camarines Sur na sakop ng CASURECO 2 ang dumaranas ng brown out sanhi ng mga pagluwag ng mga linya ng kuryente. Inamin mismo ito ni CASURECO 2 Board President Director John Paul Sta. Ana sa panayam ng RMN-DWNX kaninang umaga, sa kabila ng katotohanang hindi naman tinamaan ng bagyong si urduja ang mga nabanggit na lugar.

Ipinaliwanag ni Sta. Ana na ang sanhi ng nasabing pagkawala ng kuryente ay mga loose connections at kinakailangang tuntunin ng kanilang mga line men para maisayos o mahigpitan ang mga connections nito. Sinabi ni Sta. Ana na kulang sa tao ang CASURECO 2 para kaagad na matugunan ang problemang ito.

Una rito, maraming reklamo ang ipinaabot sa RMN Naga – DWNX yungkol sa pagkakawala ng supply ng kuryente simula pa noong mga nakaraang araw lalo na sa panahong mabagal na dumadaan sa bansa ang bagyong si urduja. Marami rin sa mga consumers ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pagkairita sa pamunuan ng CASURECO 2 dahil sa hindi naman active o wala naming sumasagot sa mga contact numbers na ibinigay noon ng nasabing kooperatiba para sa mga emergency situations.


Si Sta. Ana lamang ang may lakas ng loob na magbigay ng paliwanag kung may usapin tungkol sa serbisyo ng CASURECO 2. Hanggang ngayon, wala pa ring tumatayong spokesperson ang nasabing kooperatiba.

Idinagdag pa ni Sta. Ana na ang concern tungkol sa supply and connection ng kuryente ay pangunahing tungkulin ng Engineering Department. Walang ni isa man mula sa nasabing opisina ang may lakas loob na magbigay ng paliwanag sa bawat pagkakataon na may problema sa serbisyo, supply at linya ng kuryente sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Taliwas ito sa pamunuan ng CASURECO 1 kung saan nakahandang sumagot sa mga tanong at magbibigay ng paliwanag kung may mga issues and concerns sa mga lugar na sakop nito si General Manager Ana Sylvia Alsisto.

Facebook Comments