Friday, October 11, 2024

Ilang Klase Sa Metro Manila, Sinuspinde Dahil Sa Epekto Ng Transport Hike

Ilang klase sa Metro Manila ang sinuspinde kanina dahil sa epekto ng transport strike ng grupong Stop and Go Coalition. Kabilang rito ang University of the Philippines (UP), De La Salle University sa Taft, Makati at BGC gayundin ang FEU-Manila, UST, Adamson University, National University-Manila at St. Scholastica.

20-Milyong Pisong Halaga Ng Iphone At Dry Goods, Nasabat Ng Boc Sa Tondo, Maynila

Nasa 20-milyong halaga ng Iphone units at iba pang dry goods ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port sa Tondo, Maynila. Ayon kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon – isang Linggong isinailalim sa surveillance ang shipment kung saan nadiskubreng misdeclared ang naturang kargamento.

Raptors, Wagi Kontra Brooklyn Nets; Pero Kyle Lowry, Duguan

Muling inilampaso ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets sa bakbakan ng dalawang koponan kaninang umaga. Sa score na 103-95, wagi ang Raptors sa pangunguna ni Jonas Valunciunas na kumamada ng 22 points.

Daniel Matsunaga – Napikon Na Sa Mga Basher, Bumuwelta

Ipagdadasal na lang daw ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga ang mga bashers nila ng aktres ng si Erich Gonzales. Buwelta ito ng aktor sa kanilang kritiko na umano'y gumagawa ng samu't saring espekulasyon sa gitna ng pinagdaraanan ng celebrity couple hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

Barberong Gumagamit Ng Apoy Sa Pagtutuwid Ng Buhok, Usap-Usapan

Usapan-usapan ngayon ang isang barbero sa Palestine dahil sa kakaiba nitong paraan ng pagrerebond ng buhok. Sa halip kasi na blow-dryers, apoy ang ginagamit ni Ramadan Edwan sa pagtutuwid ng buhok ng kanyang mga customer dahil na rin sa kawalan ng kuryente.

Anggulong Korean Mafia Sa Kaso Ni Jee Ick Joo, Kailangan Ng Malalimang Imbestigasyon –Doj

Premature na maituturing para kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang lumulutang ngayon na posibleng pagkakasangkot ng Korean mafia sa pagkamatay ng negosyanteng si Jee Ick Joo. Ayon kay Aguirre, makikipag-ugnayan sila mga Police Attache ng Korea para matukoy kung may nalalaman ba sila tungkol kay Jee.

Listahan Ng Mga Ndf Consultants Na Pinaaresto Ni Pangulong Duterte, Hawak Na Ng Pnp

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng mga consultant ng National Democratic Front na pinaaaresto ni Pangulong Duterte Kabilang dito ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Edelberto Silva, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna at Renante Gamara.

Pagbawi Sa Pansamantalang Kalayaan Ng Mga Ndf Consultant, Ipinauubaya Na Ng Doj Sa Korte

Bahala na ang korte na magpasya kaugnay sa pansamantalang paglaya ng mga consultant ng National Democratic Front na umuupong miyembro ng panel sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Tugon ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kaugnay sa plano ng NDF na hilingan sa mga hukuman ang pagpapalawig sa bisa ng pyansa para sa kanilang mga kasamahan na may nakabinbing mga kaso na kasama sa peace talks.

Peace Talks Sa Pagitan Ng Gobyerno At Rebeldeng Grupo, Wala Nang Pagasa Ayon Kay...

Tinawag na spoiled brat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebeldeng grupong Communist Party of the Philippines, New People's Army, National Democratic Front. Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Hardin ng Lunas sa Presidential Security Group Compound sa Malacañang.

Npa, Hinamon Ng Isang Senador Na Isuko Ang Mga Miyembro Na Brutal Na Pumatay...

Hinamon ngayon ni Senator Bam Aquino ang National Democratic Front o NDF na isuko ang kanilang mga miyembro na nasa likod ng pananambang at brutal na pagpatay sa tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon. Ito, ayon kay aquino, ay bilang patunay na seryoso ang rebeldeng grupo sa pakikipag-usap sa gobyerno para sa pagkamit ng kapayapaan.

TRENDING NATIONWIDE