Catriona Gray, binisita ang mga bata sa Tondo

28

Manila, Philippines – Binisita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga bata sa Young Focus Child Care Center sa Tondo, Maynila.

Maliban rito, binisita rin ni Cat ang advocates, volunteers at pasyente ng Love Yourself para sa kaniyang HIV/AIDS awareness advocacy.

Personal ring kinausap ni Cat ang ilang Persons Living with HIV (PLHIV) para palakasin ang kanilang loob.

Mga pulang rosas naman ang sorpresa sa beauty queen ng mga bata ng Abot Kamay Alang-Alang sa Pagbabago (AKAP) sa St. Peter’s Church sa Quezon City.

Ayon kay Cat, masaya siyang mabalikan ang kaniyang pamilya sa Young Focus at nangako ring patuloy na tutulungan ang grupo sa kanilang adbokasiya at mga proyekto para sa mga bata.

Facebook Comments