Mabilisang pag-apruba sa dagdag pasahe, hiniling

Manila, Philippines – Umapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupong Acto na agad aprupahan ang dagdag singil sa minimum fare sa jeep.

Ayon kay Acto President Efren De Luna, dapat kung paano minadali ang bawas singil sa pamasahe noong Disyembre gayun din dapat kabilis ang aksyon ng LTFRB ngayong sunodsunod ang pagtaas ng presyo sa gasolina.

Aniya P300 ang nawawala sa kita ng mga driver kaya at umaapela sila sa LTFRB na agad aprubahan ang kanilang hinihiling na dagdag pasahe.


Sa kanilang pagtaya posibleng umabot pa sa buwan ng Abril ang patuloy na pagsipa sa presyo ng langis.

Dagdag pa ni De Luna mahal na rin sa ngayon ang mga pangunahing bilihin kaya at malaking tulong ang pagbabalik sa P10 na minimum fare.

Facebook Comments