Catriona Gray, emosyonal sa pag-uwi sa Australia

52

Hindi napigilan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na maging emosyonal dahil finally, makakapiling na niya ang kanyang mga magulang sa Australia.

Kwento ng 27-year-old beauty queen, sinira ng COVID-19 pandemic ang pangako niya sa sarili na apat na beses sa isang taon niyang bibisitahin lalo na ang tumatanda niyang ama.

Say ni Cat, ayaw niya na balang araw ay pagsisisihan niya na hindi niya nabigyan ng oras ang mga pinaka-importanteng tao sa buhay niya.


Samantala, hindi naman binanggit ni Cat kung kasama niyang umuwi sa Australia ang boyfriend niyang si Sam Milby.

Facebook Comments