NDRRMC, pinabulaanan na may P25-B calamity fund na hindi nagastos

31

Itinanggi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang report na may 25 bilyong piso sa kanilang calamity fund ang hindi nagastos sa gitna ng pandemya.

Sa statement ng NDRRMC, kinulang pa nga ang kanilang orihinal na calamity fund sa taong 2020 na 16 na bilyong piso at dinagdagan ito ng P6.7 bilyon para sa COVID- 19 operations, kaya naman umabot ang pondo sa kabuuang 22.7 bilyong piso.


19.79 sa halagang ito ang approve na ang request at project proposals sa Office of the President; habang 2.9 na bilyon ang nakalinya na para iproseso at aprubahan.

Para naman sa taong 2021, 20 bilyon piso ang alokasyon sa calamity fund, kung saan 5 bilyon ang para sa patuloy na rehabilitation ng Marawi, 2 bilyon para sa insurance fund, at 13 bilyong para sa Regular NDRRMC Fund.

Sa halagang ito, 3.5 bilyong piso ang inaprubahan na ng Pangulo para sa iba’t ibang rehabilitation programs kasama ang Marawi rehabilitation at COVID-19 operations; habang 4.4 na bilyong pisong halaga ay ni-request pa lamang at kasalukuyang pinoproseso.

Kaya naman may kabuuang 11.95 bilyong piso na lang ang available sa calamity fund para sa taong ito.



Facebook Comments