Mixed emotions si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pagdiriwang ng kanyang 25th birthday.
Sa kanyang social media post, pinasalamatan ng beauty queen ang lahat ng bumati sa kanyang kaarawan kahapon.
Kasabay nito, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Catriona dahil opisyal na ring nagsimula ang kanyang duty bilang Miss Universe.
Nito lang nakaraang linggo nang dumating sa New York si Catriona kung saan naroon ang headquarters ng Miss Universe organization.
Inimbitahan naman ng beauty queen ang mga Pinoy na panoorin ang kanyang unang guest appearance sa TV show na Good Morning America mamayang gabi, oras sa Pilipinas.
Facebook Comments