LeBron James, nangunguna pa rin sa 2019 NBA all-star voting

Nangunguna pa din sa 2019 NBA all-star voting si Los Angeles Lakers Superstar LeBron James.

Nakakuha ng boto si James na aabot sa 1,083,363 kung saan punangalawa naman si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na may 991,561 votes.

Nasorpresa naman ang lahat ng mapasama sa all-star balloting sa west team ang rookie guard ng Dallas Mavericks na si Luka Doncic na may 679,839.


Bukod dito, ang veteran pointguard at two-time MVP na si Derrick Rose ng Minnesota Timberwolves ay kasama din sa west na may 698,086.

Inaabangan na ng lahat ng basketball fans all around the world kung sino-sinong mga player ang bubuo mula sa East at West kung sana gaganapin ang all-star sa darating na February 17 sa Spectrum Center sa Charlotte.

Facebook Comments