Lalaki idineklarang patay ng doktor, nagising bago ilibing

2502

Handa na ang lahat, naroroon ang pamilya at nahukay na ang paglilibingan, nang biglang nagising ang isang lalaki sa India na idineklara nang patay ng mga doktor noong Lunes, Hulyo 1.

Agad isinugod pabalik sa ospital at inilagay sa ventilator support ang 20-anyos na si Mohammad Furqan matapos mapansin ng mga kaanak ang paggalaw ng kaniyang mga paa.


Kuwento ng pamilya sa India Times, Hunyo 21 nang i-admit sa isang pribadong ospital ang walang malay na si Furqan matapos ang hindi na tinukoy na aksidente.

Umabot na raw sa Rs 7 lakh o halos P500,000 ang binayaran ng pamilya sa pribadong ospital.

Nang sabihin nila na wala na silang pera, idineklara raw ng mga doktor na wala ng buhay si Furqan, Hulyo 1.

Sinabi naman ng Lucknow chief medical officer na iimbestihahan ang nakakaalarmang insidente.

Sa ngayon, nasa kritikal na kondisyon si Furqan ngunit iginiit ng doktor na hindi ito brain dead–may pulso, blood pressure at gumagana ang reflexes ng pasyente.

Facebook Comments

From Advertisers