Catriona Gray, nasa Pilipinas na!

Dumating na sa bansa si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay para sa itinakdang grand homecoming ni Catriona sa Miyerkules, February 20 kung saan magsasagawa ng ilang serye ng motorcade.

Lulan ng Qatar Airways galing New York ay lumapag ito sa NAIA Terminal 3 pasado alas-9:00 kagabi.


Ang seguridad ay hinigpitan sa loob at labas ng paliparan.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang kampo ni Catriona kung bakit napaaga ang pag-uwi nito sa bansa.

Nabatid na si Catriona ang ika-apat na pambato ng Pilipinas na nakasungkit ng korona ng prestihiyosong pageant.

Facebook Comments