PBA legends, maglalaban-laban muli sa Return of Rivals

Magkakasagupa sa The Big Dome o Araneta Coliseum bukas, February 16 ang Return of the Rivals – double header ng PBA legends mula sa Alaska, San Miguel, Purefoods at Ginebra.

Sa Instagram post ng guard na si JJ Helterbrand, nag-practice ang all-time Ginebra team sa ilalim ng guidance ni Robert Jaworski.

Ilan sa mga kasama sa line up ay sina Bal David, Noli Locsin, Joey Loyzaga, Rudy Distrito at iba pa.


Sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Bong Ravena, Dindo Pumaren naman ay handa na rin maglaro para sa Purefoods.

Kakalabanin nila ang mga matagal na katunggali na Ginebra sa original na Manila Clasico Showdown.

Pangungunahan ni Triggerman Allan Caidic ang San Miguel Beermen na makakalaban ang Alaska na pagbibidahan ng Grand Slam legends na sina Johnny Abarientos, Jojo Lastimosa, Bong Hawkins at Jeff Cariaso.

Ang kita ng laro ay mapupunta sa PBA Legends Foundation na tumutulong sa mga retiradong players.

Facebook Comments