Catriona Gray, sinabihang ‘fat’ ng isang Thai Beauty Queen aspirant

Image via Coco Arayha and Catriona Gray on Instagram

Umani ng batikos sa mga netizen ang ibinahagi ng isang Thai Beauty Queen aspirant na screenshot sa kaniyang Instagram story kung saan sinabi niyang ‘fat’ o mataba si Catriona Gray.

Sa ibinahagi ni Coco Arayha Suparurk, isa sa mga kandidata ng Miss Grand Nakhon Panom 2019, makikita rito ang cropped photos nina Clara Sosa, Miss Grand International 2018 at Catriona Gray, Miss Universe 2018.

Nagalit naman ang fans ni Catriona sa ibinahagi niyang ito at sinabing hindi ugali at wala sa personalidad ng isang beauty queen ang i-body shame ang kapwa nito babae.


 

Screenshot via Coco Arayha on Instagram

 

Depensa rin ng fans ni Catriona, edited lamang ang proportions ng katawan ng Miss Universe kaya’t nagmukhang mataba ito.

Matatandaan namang isinama ni Catriona ang body positivity sa kaniyang farewell speech dahil na-bash din siya noong Binibining Pilipinas sa kaniyang pangangatawan.

Hindi pa naman nagkokomento si Catriona sa isyung ito.

Facebook Comments