Bianca Gonzalez, ipinagtanggol ang nanay ng isa sa mga contestant ng isang TV show sa mga basher

Ipinagtanggol ng TV host na si Bianca Gonzales ang nanay ni Diana Mackey matapos ma-evicted nitong Sabado sa isang reality TV show.

Ito ay matapos batikusin ang naging reaksyon at asal ng nanay ng 21-years-old model nang ma-interview ni Melai Cantiveros matapos ma-evicted ang kanyang anak sa nasabing programa.

Sa social media post ni Bianca, sinabi nitong normal lang naman daw ang reaksyong ito sa mga magulang ng mga na-e-evict na housemates lalo na at papunta na ng big-four si Diana.


Say pa ng TV host – iba-iba naman daw tayo ng way ng pag-express ng disappointment o lungkot kaya walang dapat ikagalit dito.

Sa kabila nito, humingi naman ng tawad ang nanay ni Diana sa lahat ng nabastusan sa kanyang joke lalo na sa pagtulak nito kay Melai.

Facebook Comments