Pinangunahan ito ni PCapt Julio Maribbay, hepe ng Cauayan Airport Police Station kasama ang mga opisyal at security personnels ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Cauayan.
Sa ating panayam kay PCapt Maribbay, isinasagawa aniya nila ang SIMEX para malaman ng mga tao sa paliparan ganun din ng mga namamahala rito ang kanilang mga dapat at hindi dapat gawin sakaling magkaroon ng hindi inaasahang insidente.
Ito ay para matiyak din ang kahandaan ng bawat personnel ng Cauayan Airport Police Station, Cauayan Airport at iba pang katuwang na ahensya sa pagtugon ng anumang maitatalang sakuna.
Base naman sa ibinigay na critic ng mga nakiisa sa aktibidad na kinabibilangan ng BFP Cauayan, CDRRMO, Rescue 922, Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce at mula sa iba pang pribadong ahensya, sinabi ng mga ito na pasado at maayos ang kanilang simulation exercise subalit mayroon lamang mga nakitang bagay na kailangan pa nilang pagbutihin.
Sinabi naman ni Maribbay na susundin ng kanyang himpilan ang mga sinuhestiyon ng mga nasabing ahensya at gagawin pa nila ang kanilang makakaya para sa ikabubuti at ligtas ng mga pasahero ganun din ang ikagaganda ng paliparan.