Cauayan City, 1st Runner up sa Special Event Competition!

Tuguegarao City – Pinarangalan bilang 1st Runner up ang mga atletang PWD ng Cauayan City sa larangan ng special event ngayong araw, Pebrero 28, ganap alas nueve kaninang umaga.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay coach Mark Kneil Cantor, ang tagumpay nila ay para umano sa lahat ng CauayeƱos.

Aniya, masayang masaya ang team Cauayan City dahil noong nakaraang CAVRAA ay 2nd runner up lamang sila pero ngayon ay naging 1st Runner Up na.


Nagbunga din umano ang kanilang ginawang pagsasanay upang makuha ang titulong 1st runner up.

Samantala, nakuha naman ng Nueva Vizcaya Delegation ang pagiging Champion at 2nd runner up naman ang Cagayan Delegation.

Hangad ngayon ng PWDs team Cauayan City na sa susunod na CAVRAA ay makuha na ang titulo ng pagiging kampeyon.

Facebook Comments