Paggawa sa Cauayan City Bypass Road, Ipagpapatuloy!

Cauayan City, Isabela- Muling inumpisahan ang pagsasagawa ng proyektong nasimulan noong nakaraang taon ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Isabela 3rd District Engineering Office (DEO) ang Cauayan City Bypass Road.

 

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Engr. Editha Babaran, District Engineer ng Isabela 3rd DEO, kaya natagalan umano ang pagsagawa dito ay dahil nagkaroon ng problema sa alignment kaya binago ito na nagresulta ng paghaba ng ruta.

 

Aniya, malaki ang nailaan na alokasyon para sa Bypass road kaya isinailalim na ito sa Multi-Year Obligational Authority (MYOA) kung saan kada taon ang pagbibigay ng pondo para dito.


 

Kaugnay nito, inaasahan na sa darating na taong 2022 ay matatapos na ang Bypass Road.

 

Samantala, ang pagsasaayos ng daanan ay magdudulot ng bigat sa daloy ng trapiko pero tiniyak ng nasabing tanggapan sa mga motorista ang pang-matagalang benepisyo oras na matapos ang proyekto.

Facebook Comments