Cauayan City, Isabela – Nakatakdang dumalo ngayong araw sa Davao Cooperative Summit ang Cauayan City Cooperative Council bilang bahagi sa pagdiriwang ng National Cooperative Month ngayong buwan ng oktubre.
Dadaluhan umano ng mga pinuno na mula sa iba’t ibang probinsya ang naturang aktibidad kung saan ay layunin nito na turuan at paangatin ang kamalayan at kaalaman ng mga tagapangasiwa ng kooperatiba hinggil sa pagbibigay ng mas magandang benepisyo sa mga residente.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay SP Member Salcedo Foronda, ang pinuno ng Committee on Cooperative and Livelihood ay sinabi nito na pangungunahan niya ang deligado ng Cauayan City Cooperative Council para dumalo sa Cooperative Summit sa Davao kung saan ay magtatapos hanggang sa ika-anim ng buwang kasalukuyan.
Aniya tatalakayin umano sa cooperative summit ang mga best practices na ipinagmamalaki ng mga dadalo at sinabi nito na maganda ang naturang aktibidad dahil sa mas matututo ang mga dadalo sa magandang pamamalakad ng kooperatiba.
Ipinagmalaki pa ni SP Member Salcedo na ang Cauayan City ay isa umano sa nakatanggap ng gawad parangal bilang katunayan sa tagumpay ng lungsod.
Matatandaan na kahapon ay nagsimula ang aktibidad ng City Cooperative Council sa pamamagitan ng tree planting na isinagawa sa Brgy. Maligaya, Cauayan City at nakahanay ang mga isasagawang dental, optical at medical mission bilang bahagi parin sa kanilang mga aktibidad ngayong buwan ng oktubre.