DAPAT TULARAN | Police mobile na ilegal na nakaparada, hinatak; Pulis, magalang na isinuko ang susi nito

Positibo ang reaksyon ng mga saksi sa inasal ng isang pulis matapos ma-tow ang dalang government vehicle sa labas ng Kampo Crame.

Sa operasyon ng MMDA sinuyod nila ang 1st at 2nd Street sa kahabaan ng Santolan Avenue o sa labas lamang ng Kampo Crame.

Natuwa ang mga saksi sa aksyon ng MMDA matapos hatakin ang police mobile na iligal na nakaparada.


Ito ay nangangahulugan na wala silang sinasanto sa pagpapatupad ng batas.

Muling napangiti ang mga nakakita dahil sa pag-amin sa pagkakamali ng pulis habang magalang na isinu-surrender ang susi.
Napag-alaman na naka -schedule na neuro test ang nasabing pulis at late na siya kaya at napilitang pumarada sa labas.

Samantala nagpapatuloy ang operasyon ng MMDA kung saan walong sasakyan na ang mahahatak.

Facebook Comments